Basherero

Hindi ka ba nagkakamali
Mabuti ba ang 'yong ugali
Perpekto ba ang 'yong itsura
Sana nga ikaw ay sobrang ganda

Wala ka bang kapintasan
Wala ka rin bang kahinaan
Paggising mo ba'y mabango ang 'yong hininga
Kapag nagkagano'n eh di ikaw na

Bato-bato sa langit
Tamaa'y 'wag magalit
Sana'y 'wag nang manglait
Sige baka si Lord sayo'y magalit

Sa pagsayaw ba'y ika'y mayro'ng ibubuga
Baka naman parehong kaliwa ang paa
Ang boses mo ba'y parang anghel sa langit
Baka naman parang yerong ginugupit

Bato-bato sa langit
Tamaa'y 'wag magalit
Sana'y 'wag nang manglait
Sige baka si Lord sayo'y magalit

Ano ba ang kasalanan sa'yo
At kung mag-comment ka'y
Parang ang galing-galing mo
At kung sakali magrereact ka dito
Itong kantang ito ay para sa'yo

Bato-bato sa langit
Tamaa'y 'wag magalit
Sana'y 'wag nang manglait
Sige baka si Lord sayo'y magalit
La la la la
La la la la (la la la la)
La la la la (la la la la)
La la la la (la la la la)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Mitoy Yonting

Autres artistes de Asian rock