Pinaikot-ikot

VENANCIO A. SATURNO

Di ka na naman kumikibo
Mga mata'y namumugto
Dama ko ang hinaing ng puso mo
Nguni't 'di ka maawat d'yan sa pag-ibig mo

Alam mong s'ya'y mayro'ng iba
Nguni't pikit ang 'yong mata
Ang sabi mo'y mahal na mahal mo s'ya
At 'di kayang iwanan kahit sinasaktan ka pa

Pinaikot ikot at dinurog durog
Ang puso mong laging tapat bakit 'di n'ya maarok

Gayong kay lalim pag ibig para sa kan'ya
Bakit nga ba hanggang ngayon patuloy na sinasaktan ka pa

Bakit nga ba hanggang ngayon mahal na mahal mo siya
At sa araw araw ay patuloy na sinasaktan ka pa

Pinaikot ikot lang

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Mitoy Yonting

Autres artistes de Asian rock