Awit Ng Bahaghari

Darating din ang bukas
Sisikat din ang araw sa kalangitan
Hahawiin ng liwanag ang mga ulap mga agam-agam at mga alinlangan

Babalik din ang dating sigla
Uusbong din ang mga binhing ipinunla
Manunumbalik ang ngiti at saya
At mapapawi kawalang nadarama

May pag-asang darating hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating hatid ng bahaghari
May pag-asang darating kasama mo ako sa mga paghamon mo
Kasama mo ako sa muling pagbangon mo

Abot tanaw ko na ang bagong umaga
Abot kamay ko na ang bagong pag-asa

May pag-asang darating hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating hatid ng bahaghari
May pag-asang darating hatid ng ihip ng hangin
May pag-asang darating hatid ng bahaghari
Kasama mo ako sa mga paghamon mo (may pag-asang darating hatid ng ihip ng hangin)

Kasama mo ako sa mga pangarap mo (may pag-asang darating hatid ng bahaghari)
Kasama mo ako sa mga paghamon mo (may pag-asang darating hatid ng ihip ng hangin)
Kasama mo ako sa muling pagbangon mo (may pag-asang darating hatid ng bahaghari)
Oh oh (may pag-asang darating may pag-asang darating)

Curiosités sur la chanson Awit Ng Bahaghari de Noel Cabangon

Quand la chanson “Awit Ng Bahaghari” a-t-elle été lancée par Noel Cabangon?
La chanson Awit Ng Bahaghari a été lancée en 2014, sur l’album “Acoustic Noel”.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Noel Cabangon

Autres artistes de Asiatic music