Awit Ng Barkada
Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay
Kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami ang barkada mong tunay
Aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kung sa pag-ibig may pinagawayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo'y 'di nagbibilangan
Kung ang problema mo'y nagkatambakan
Ang mga utang 'di na mabayaran
Lahat ng bagay ay nadadaan sa usapan
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay
Kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami ang barkada mong tunay
Aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kung hahanapin ay kaligayahan
Maging malalim o may kababawan
Sa iyo ay may nakalaan
Kami'y asahan at huwag kalimutan
Maging ito ay madalas o minsan
Pagka't iba na nga ang may pinagsamahan
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo (sino pa man pare ko)
Ay isipin na lang na ang buhay
Kung minsan ay nagbibiro (wooh)
Nandirito kami ang barkada mong tunay
Aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay
Kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami ang barkada mong tunay
Aawit sa iyo
Sa lungkot at ligaya hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
Kasama mo (kasama mo)
Kasama mo kasama mo (kasama mo)
Kasama mo kasama mo (kasama mo)
Kasama mo kasama mo kasama mo