Bayani Ng Bayan
Pinagkaitan ng pagkakataon
Gumawa ng paraan nang sa buhay makaahon
Kaya't nilisan pamilya at sariling bayan
Ngayo'y namamasukan sa ibang bayan
Upang matiyak lang ang kinabukasan
Daig pa ang santo sa pagpapakumbaba
Lahat na nang trabaho ay kanya nang ginawa
Pawis at dugo'y pinuhunan na nang todo
Sa dagat man o disyerto sa bahay o barko
Sa opisina't ospital sa'n mang sulok ng mundo
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ah ah ah ah
Nagpapasasa sa mga pinapadala
Wala man lang kahit na konting pagpapahalaga
Nasa'n ang biyayang bunga ng pangungulila
Pinaghahati-hatian ng kamay na mahahaba
Walang kaluluwang mga nagpapasasa
Bayani nga ba kung ikaw ay tawagin
Ikaw ang nagtanim ngunit iba ang kumain
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ah ah ah ah
Daig pa ang santo sa pagpapakumbaba
Lahat na nang trabaho ay kanya nang ginawa
Pawis at dugo'y pinuhunan na nang todo
Sa dagat man o disyerto sa bahay o barko
Sa opisina't ospital sa'n mang sulok ng mundo
Bayani nga ba kung ikaw ay tawagin
Ikaw ang nagtanim ngunit iba ang kumain
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ikaw ang bagong Pilipino
Ang bagong bayani ng bayan ko
Ah ah ah ah (ah ah)