Humayo't Ihayag

Humayo't ihayag
At ating ibunyag
Pagliligtas ng Dios na sa krus ni Hesus
Ang Syang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan (aleluya)

Halina't sumayaw
Lukso sabay sigaw
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Liwanag ng Dios sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan (aleluya)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat

Halina't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Dios na sa krus ni Hesus
Ang Syang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan

Halina't sumayaw (buong bayan)
Lukso sabay sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Liwanag ng Dios sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan (aleluya aleluya aleluya aleluya)

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Noel Cabangon

Autres artistes de Asiatic music