Kaibigan

Kaibigan tila yata matamlay ang iyong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip ay tila naguguluhan

Kung ang problema mo o suliranin ay lagi mong didibdibin
Ay tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay mo at nabigla
Sinamba mo siya binigyan mo ng lahat at biglang nawala

Ang buhay mo'y alalahanin at 'wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako'y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya limutin siya
Marami marami pang iba ah

Kaibigan kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya napasama sa lahat at biglang nawala

Marami pang malalapitan mababait at di naman pihikan
Tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako'y kagabay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya limutin siya
Marami marami pang iba

Kaibigan tila yata matamlay ang iyong pakiramdam
At ang ulo mo sa kakaisip ay tila naguguluhan
Kung ang problema o suliranin lagi mong didibdibin
Tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa
Kaibigan kaibigan kaibigan kaibigan kaibigan

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Noel Cabangon

Autres artistes de Asiatic music