Pasko Ng Pagbibigayan
Heto na ang panahong pinakahihintay
Taon-taon dumarating lahat tayo'y nag-aabang
May kung anong simoy ng hangin tila nag-iiba
Bawat isa'y mayroong galak kaibang tuwa
Unti-unting nagbabago'ng nakikita ng mata ko
Naglalabasan ang mga parol palamuting kung ano-ano
Nagiging makulay mga ilaw sa paligid ko'y tanaw
Heto na nga at naririto na ang araw ng pasko
Pasko na naman sa aking bayan
Pagbibigaya'y muling mararamdaman
Pasko na naman ng kanyang pagsilang
Halina't ating salubungin at ipagdiwang
Do do do do (do do)
Paroo't parito ang mga tao at sasakyan
Kaya't sobrang sikip at abala'ng mga lansangan
Natataranta at nalilito sa dami ng pagpipilian
Basta't mayroong regalo ay sapat na 'yan
Kumakatok ang mga bata sa bawat tahanan
Wala man sa tono'ng pag-awit ay kailangang pagbigyan
Kahit konti'y mahalaga'y maaabutan
Ang higit pasasalamat naman nila ay walang hanggan
Pasko na naman sa aking bayan
Pagbibigaya'y muling mararamdaman
Pasko na naman ng kanyang pagsilang
Halina't ating salubungin at ipagdiwang
Pasko na naman sa aking bayan
Pagbibigaya'y muling mararamdaman
Pasko na naman ng kanyang pagsilang
Halina't ating salubungin at ipagdiwang
Do do do do (do do)