Pasko Sa Puso Ko

Noel Cabangon

Bente kwatro sa aking kalendaryo
At nag-iisa sa aking kwarto
Malamig na hangin lalo lang lumalamig
Dahil walang karoling na naririnig

Walang parol na nakasabit sa bintana
Walang pupuntahang simbang-gabi
Walang puto't bibingkang sa daa'y nilalako
Walang mga batang nagmamano

Isa ako sa maraming nag-iisa
Piniling lumayo sa pamilya
Para kinabukasan ay marating
Kaisa-isang regalong hiling

Oh ngayong pasko dito sa puso ko
Maglalayag palaot nang makauwi sa inyo
Oh ngayong pasko diyan sa puso niyo
Darating din ako't magkakasama muli tayo

Walang umaandap na ilaw sa puno
Walang nag-iinuman diyan sa kanto
Walang nag-kakaraokeng sintonado
May noche buena walang kasalo

Isa ako sa maraming nag-iisa
Piniling lumayo sa pamilya
Para kinabukasan ay marating
Kaisa-isang regalong hiling

Oh ngayong pasko dito sa puso ko
Maglalayag palaot nang makauwi sa inyo
Oh ngayong pasko diyan sa puso niyo
Darating din ako't magkakasama muli tayo

At sa aking pag-uwi hintayin niyo
Araw-araw ay gagawin nating pasko

Oh ngayong pasko dito sa puso ko
Maglalayag palaot nang makauwi sa inyo
Oh ngayong pasko diyan sa puso niyo
Darating din ako't magkakasama muli

Oh ngayong pasko dito sa puso ko
Maglalayag palaot nang makauwi sa inyo
Oh ngayong pasko diyan sa puso niyo
Darating din ako't magkakasama muli tayo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Noel Cabangon

Autres artistes de Asiatic music