Walang Katulad

Damhin mo ang simoy ng hangin
Hatid ay lamig na dumampi
Sa damdaming tigib ng wakas na pag-ibig
At umaayon maging paligid

Walang kahit alam na ligalig
Diwa ay tahimik panatag ang dibdib
Sa tuwing ikaw ay kapiling oras ay di pansin
Tangay ng hangin ang ating malayang damdamin

Walang katulad ang ating pag-ibig
Bunga ay sintamis ng langit
Walang kasing wagas ang ating pag-ibig
Kailanma'y hindi pagpapalit

Damhin mo ang aking pag-ibig
Bawat pantig ng bawat titik
Ay tibok ng dibdib ng pusong umiibig
Lubos at ngiti ng ligaya ng damdamin

Walang katulad ang ating pag-ibig
Bunga ay sintamis ng langit
Walang kasing wagas ang ating pag-ibig
Kailanma'y hindi kailanma'y hindi
Kailanma'y hindi pagpapalit

Curiosités sur la chanson Walang Katulad de Noel Cabangon

Quand la chanson “Walang Katulad” a-t-elle été lancée par Noel Cabangon?
La chanson Walang Katulad a été lancée en 2011, sur l’album “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Noel Cabangon

Autres artistes de Asiatic music