Babaero

Randy Santiago

Kailan nga ba tayo unang nagkakilala
Mula noon ako'y naging sa'yo
'Di mo man lamang inisip na mahal kita sinta
Tibok ng puso ko'y iyong iyo

Ngunit bakit tila yata
Biglang naglaho na
Tamis ng iyong pag-ibig
'Di na nadarama
Kung ika'y nag bibiro
Sana'y tapusin na
At 'wag na lang sabihin ako'y

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo
Puro imbento sari-saring kwento
Basta't sa'yo lang ako

Wag ka nang sanang mag-duda
Wag nang mag-alala
Ang tsismis ng tsismosa'y iwasan na

Di ko kayang sugatan
Di ko kayang saktan
Di ko yata makakayang ika'y palitan

Ibibigay kung todo mahirapan man ako
Upang mapatunayang ako'y tapat sa'yo
Sana'y paniwalaan ikaw ang mahal ko
'Wag na lang sabihin ako'y

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo
Puro imbento sari-saring kwento
Basta't sa'yo lang ako

Araw-araw kong napapansin
Pag-iwas mo sa'kin
Di malaman ang gagawin

Sabihin mo sa akin ang iyong tunay na hangarin
Wag na wag mo lang isipin may karibal ka sa'kin

Ibibigay kung todo mahirapan man ako
Upang mapatunayang ako'y tapat sa'yo
Sana'y paniwalaan ikaw ang mahal ko
'Wag na lang tawagin ako'y

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo

Bababaero bababaero
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo

Sabihin mo sa akin ang iyong tunay na hangarin
Wag na wag mo lang isipin may karibal ka sa'kin

Sabihin mo sa akin ang iyong tunay na hangarin
Wag na wag mo lang isipin may karibal ka sa'kin

Bababaero (bababaero)
Bababaero (bababaero)
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo oh

Bababaero (bababaero)
Bababaero (bababaero)
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo oh

Bababaero (bababaero)
Bababaero (bababaero)
Bababaero daw ako
Sinong nagsabi makakating labi
Di-di-di-di naman totoo

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Randy Santiago

Autres artistes de Pinoy pop