Anak
Nu'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
Sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa 'yo
Tuwang-tuwa sa 'yo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa 'yo
Pagka't ang nais mo'y masunod ang layaw mo
'Di mo sila pinapansin pinapansin
Nu'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong anak
Ba't ka nagkaganyan
Nagkaganyan
At ang iyong mga mata'y biglang
Lumuha ng 'di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali (nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali)
Nagkamali (nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali)
Ah (nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali)
Ah (nagsisisi at sa isip mo'y)
Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw (nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali)
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo (nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali)
At ang una mong nilapitan (nagsisisi at sa isip mo'y nalaman mong ika'y nagkamali)
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong anak
Ba't ka nagkaganyan