Masdan Mo Ang Kapaligiran
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran
Kay dumi na ng hangin pati na ang mga ilog natin
Hindi nga masama ang pagunlad at malayo layo narin ang ating narating
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit wag na nating paabutin
Upang kung tayo'y pumanaw man sariwang hangin sa langit natin matitikman
Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana'y tagulan
Gitara ko'y aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan oh
Ang mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman
May mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan
Bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran
Hindi nga masama ang pagunlad kung hindi nakakasira ng kalikasan
Darating ang panahon na ang ibong dala ay wala ng madadapuan
Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Ngayo'y namamatay dahil sating kalokohan
Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa Dyos kahit nung ika'y wala pa
Ingatan natin at wag ng sirain pa pagkat pag kanyang pinawi tayo'y mawawala na
Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana'y tagulan
Gitara ko'y aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan