Atin Ang Mundo [.]

Mag-isa at walang makasama
Nag-aabang kung sino man ang kakausap
Nagtatanong kung bakit nga ba nandito
Paglingon ikaw agad ang nakita

Di maiwasan na ikaw ay titigan
Nag-iisip kung paano lalapit sa'yo
Hindi namalayan bigla na lang
Nagkatabi at nagtawanan

Sa isang iglap nagkayayaan oh
Sumayaw kasabay ang masaya na tugtugan
Itaas ang kamay at sabay magtatalunan
Ikaw at ako parang atin ang mundo
Atin ang mundo

Hanggang langit ang ngiti sa 'king labi
Sa 'yong tabi sana ako ay palagi
Dahil wala nang iba pang katulad mo wooh
Hindi namalayan bigla na lang

Ang puso ko'y may nararamdaman
Sa isang iglap nagkatitigan oh
Sumayaw kasabay ang masaya na tugtugan
Itaas ang kamay at sabay magtatalunan
Ikaw at ako parang atin ang mundo

Atin ang mundo (woh oh oh)
Atin ang mundo (woh oh oh)

Sumayaw kasabay ang masaya na tugtugan
Itaas ang kamay at sabay magtatalunan
Ikaw at ako parang atin ang mundo

Atin ang mundo (woh oh oh)
Atin ang mundo (woh oh oh)

Atin ang mundo woh oh oh

Chansons les plus populaires [artist_preposition] The Juans

Autres artistes de Pop rock