Binibini Sa MRT [Live Version]

Nakapila na ng mahaba
Umalis pa naman ng maaga
'Kala ko araw ay sira na
Nang bigla kang makita

Binibining kay ganda
Tulala ng panandalian
Sa mga pasaherong nag-uunahan
O kuyang guwardiya

Pasensya na di ko namamalayang
Nakatapak na'ko sa yellow line
Alam ko na delikado
Parang puso kong ito

Nabibighani sa tabi ng isang
Marikit na binibini
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking atensyon

Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Di ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan

Pwede ba kitang samahan kahit na saan pa yan
O binibining nasa MRT (hey)
Miss ayan na ang susunod na tren

Naku miss I'm sorry
Nakasiksik ka sa akin
Pero wag mag-alala
Puprotektahan kita

Sa mga nagtutulakang mga ate at kuya
Hahanapan ka ng upuan
Bisig ko'y pwedeng kapitan
Ituturo ko ang side na bubukas sa bawat station

Parang langit lang ang nararamdaman
Nang bigla nang umandar ang tren at ako'y iyong nasandalan (oh yeah)
Mula sa Buendia Station
Solo mo aking atensyon

Paligid ay nag-slow motion nang makita kita
Di ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan

Pwede ba kitang samahan kahit na saan pa yan
O binibining nasa MRT (hey)
Basta manatiling

Nakahawak sa mga railing
Pero kung ika'y ma-out of balance
Okay lang
Nandito naman ako nasa tabi mo

'Wag mag-alala
Dahil sasaluhin kita (sasaluhin kita)
Hanggang Trinoma
Hanggang Trinoma

Mula sa Buendia Station
Solo mo aking atensyon
Paligid ay nag-slow motion nang makita kita

Di ko alam ang iyong pangalan
O lugar na patutunguhan
Pwede ba kitang samahan kahit na saan pa yan

O binibining nasa MRT (hey)
Binibining nasa MRT (hey)
Five six seven eight

Chansons les plus populaires [artist_preposition] The Juans

Autres artistes de Pop rock