Pinakapaboritong Pasko
Pinakapaboritong Pasko
Verse:
Nasanay ang puso
Tuwing sasapt ang pasko
Manlamig na lang
At magmanhid sa kilig.
Luma ang bagong taon
Ngunit tila kakaiba
Ang dalang simoy ng hangin.
Mula nang ika’y dumating,
Nakangiti sa bawat gising.
Parang bata muli.
Chorus
Heto na ang pinakapaboritong pasko dahil nariyan ka.
Mula ngayon hanggang bawat taon magdiriwang.
Dahil kapiling kita, hindi na mag-iisa
Tuwing kapaskuhan.
Verse:
Dati ‘pag pasko
Para lang araw ng puso.
Dinaraanan lang.
Palilipasin ng tulog.
Ngayon ay mulat na mulat.
Chorus
Heto na ang pinakapaboritong pasko dahil nariyan ka.
Mula ngayon hanggang bawat taon magdiriwang.
Dahil kapiling kita, hindi na mag-iisa
Tuwing kapaskuhan.
Bridge
Gusto na muling mag-caroling.
Magpapakita na sa mga pamangkin.
Hindi na magtatago.
Bitbit ang mga regalong handog.
Chorus
Heto na ang pinakapaboritong pasko dahil nariyan ka.
Mula ngayon hanggang bawat taon magdiriwang.
Dahil kapiling kita, hindi na mag-iisa
Tuwing kapaskuhan.
Heto na ang pinakapaboritong pasko dahil nariyan ka.
Mula ngayon hanggang bawat taon magdiriwang.
Dahil kapiling kita, hindi na mag-iisa
Tuwing kapaskuhan….
Tuwing kapaskuhan…
Tuwing kapaskuhan.