Tatlong Payo
Ayan ka na naman, hating-gabi'y tatawag
Eh, ako'y plastado na dito sa aking papag
Pero okay lang, dahil 'di kita matiis
Pakikingan ko ang iyong paghihinagpis
Kahit anong tigas ng ulo mo, ikaw ay dadamayan
Abutin man ng umaga, ikaw ay sasamahan
Ngunit 'di pa rin magbabago ang tatlong payo ko sa 'yo
Kahit mukha akong sirang plaka'y uulit-ulitin ko:
"Mahalin ang sarili, bago ang iba."
"Di mo kayang ibigay ang bagay na wala ka"
At higit sa lahat, kapag ika'y nagmahal,
Para sa 'yong sarili, "Lagi kang may ititira."
Hindi kayang itago ng ngiti sa 'yong mukha.
Sa bawa't hagikhik, nakakubli doon ay luha.
Kaya't 'wag sanang limutin ang tatlong payo kong ito
Kahit magalit ka sa akin ay ipupukpok 'to sa 'yo:
Hindi lahat ng oras, ako'y nasa 'yong tabi
At sabi nga nilang lahat, nasa huli ang pagsisisi
‘Di habang-buhay ang tingkad / ng isang bulaklak
Kaya't lagi kong sasabihin, tuwing ika'y umiiyak:
"Mahalin ang sarili,bago ang iba."
"Di mo kayang ibigay ang bagay na wala ka"
At higit sa lahat, kapag ika'y nagmahal,
Para sa 'yong sarili, laging kang… (may ititira)
‘Di ka naman makasarili kung ika’y…
… may ititira.