Kailan

Buendia Ely Eleandre

Bakit kaya nangangamba sa t'wing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala
Ilang ulit nang nagkabangga aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala

Bawat araw sinusundan 'di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Bakit kaya umiiwas binti ko ba'y mayro'ng gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayro'n sa puso ko munting puwang laan sa 'yo
Maari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan 'di ka naman tumitingin
Ano'ng aking dapat gawin

Kailan kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin 'di mo pinapansin
Kailan kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing 'di mo pa rin pansin

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Bryan Termulo

Autres artistes de Television series