Sa Isang Sulyap Mo [Ballad Version]
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya'ng araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sa 'yo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko (ang puso ko)
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo napaibig ako
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo napaibig ako
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako
Para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako
Nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo
Ang sarap mabuhay punong-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo napaibig ako
Napaibig ako