Pagdating Ng Panahon

Edith Gallardo, Moy Ortiz

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit 'di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin

Alam kong 'di mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit 'di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin din

Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon kahit 'di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

Alam kong hindi mo alam
Narito lang ako
Maghihintay kahit kailan
Nangangarap kahit 'di man ngayon
Mamahalin mo rin
Mamahalin mo rin

Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon kahit 'di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

'Di pa siguro bukas
'Di pa rin ngayon
Malay mo balang araw
Dumating din iyon

Pagdating ng panahon baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari 'yon kahit 'di pa lang ngayon
Sana ay mahalin mo rin pagdating ng panahon

Chansons les plus populaires [artist_preposition] Bryan Termulo

Autres artistes de Television series